A Graduation Speech for the Not-So-Smart, Overstaying, Multiple-Failure Engineering Students

This Filipino commencement speech isn’t like any other.

Below is a transcript that has long been viral around local forums – for a good reason – and is told to be delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the University of the Philippines, College of Engineering.

It glorifies the engineering students who are continually struggling and not the best performing in their classes and those who failed their subjects multiple times, giving them encouragement amid the stark realities in a society where only the cream of the crop and honor graduates seem to have their successes already figured out for them.

The speech here is told to be a hoax, but regardless this could move mountains:

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo. Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN’T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

#

11 thoughts on “A Graduation Speech for the Not-So-Smart, Overstaying, Multiple-Failure Engineering Students”

  1. thanks you sa pagpapalakas ng loob dahil ako din ay nahihirapan na sa mga ginawa ako ay nangangarap din maging architect but di ko alam kung kaya ko pero sa mga advice mo kahit papaano sana makaya ko gusto ko lang nmn makatulong sa magulang na para makaahon kami kasi nangako ako sa mga magulang ko na pag ako nakapag tapos ililibot ko yung sila sa mga magaganda lugar at magpapatayo ng bahay na sarili kong disenyo at pag nagawa ko na yung disenyo kong bahay na gusto ko ipakita sa kanila “mama papa dyan tayo titira diba ang ganda ” yan ang gusto kong sabihin sa kanila mahina ang paguutak ko di kasi ako masyadong matalino na kagaya ng mga nakaksama ko pati mga pagtututro na english di ko alam ang sinasabi nila ang ginagawa ko di nalang ako umiimik ako yung tipong student na palaging matanong kasi gusto ko malaman ang buong ditalye bago ko simulan kasi yan ang sabi ng isip. ako ay binubully din but lumalaban nmn ako hindi nakikipag away kundi nakikipag kaibigan upang makilala sila at kilalanin din nila ako marami akong mga kaibigan but sa panahon ngayon di ko na alam kung meron pa ba pero salamat sa mga payo mo sabi nga ng diyos pwede umiyak pero bawal sumuko maraming salamat sa inyo at congrats sa pag graduate nyo po 😀 <3

  2. Back when i was in elementary, i never been in top 10. Kahit na simula nung grade 4 ako inintindi ko na talaga ang pag-aaral ko. Kung bakit nga ba hindi nila nakikita ang effort ng ibang students nila. Kung bakit nga ba dahil may sampo ng kasama simula nung kinder sila ay sila na lang lagi. I never been recognized during recognition and graduation but i know to myself that i also excell in the class. Kaya nung junior high school ako nagsikap talaga ako. Pinatunayan ko na hindi lng ako ang nakakaalam na nag exert din nmn ako ng efforts sa larangan ng academics. Specially nung nalaman ko na mas mataas pa pala average ko sa top 7 namin nung grade 5. What the sh*t pano nangyare yun na hindi man lng ako narecognize. Kaya ayun nga nung junior high school ako nagmove up ako as valedictorian, pinanglalaban ako ng school sa different contests. At hindi nawala sakin ang best in math every recognition kahit nung elementary super struggling ako dun sa subject na yun. Dun napatunayan ko na kaya ko at worth it lahat ng effort na ginawa ko. Hindi ko gusto maging mayabang pero mas mataas ang rank ko kesa sa mga kaklase nung elementary na kaklase ko pa din nung highschool. Sila yung mga kasali sa top 10 dati. Hindi ako nagagalit sa mga classmates ko at lalong hindi ko gustong ipagmalaki ang nakamit ko sa kanila. Ang gusto ko lang ay ipamukha sa mga dati kong teacher na nageffort naman ako at sana nakita nila yun.
    Lahat ng estudyante ay nagbibigay ng effort sa kanilang pag-aaral nasa sa atin lang kung paano natin gugustuhin na makita yun. Lahat kayang magexcell kaya sana pansinin natin ang lahat dahil hindi porket sila yung dati ay mananatiling sila lang hanggang dulo.

  3. Ang ganda po, kuya I think this was the best speech I’ve ever read. Continue to work hard po, kahit alang kong may oras talagang tatamarin tayo lahat naman ganon eh, hindi sa lahat ng oras masipag lang. Goodluck po kuya sa next journey mo.

  4. Worth reading po. Alam ko naman po na kapag nag college don’t expect grades na kataasan ganung di naman ako katalinuhan. Nag ta top sa klase nung High school. Pero anong nangyare tinatanong ko din 👨 sa sarili ko. Acceptance na lang hahaha I’m happy na sa grade of 3.00 kapag removal lalo na at alam ko na Hindi lang ako yung nag struggle sa Major subjects na yon. Lalo na sa case ko di ko gusto yung course ko at gusto ko na lang makagraduate. Ayun na nga nagustuhan ko na din since nag second year na ako dun mas nag focus. Ngayong 3rd year na ako iniisip ko na lang na mag enjoy na lang and focus on what I’am taking now. I’m getting older and looking for stable life na Hindi aasa sa mga bagay na kayang ibigay ng papa ko, lalo nat di naman kami mapera.

    Kaya for those students na muntikan ng bumagsak o bumagsak. Take it easy mga KaToda hahahaha.. Mas worth it yung paghihirap naten kaysa sa mga may Laude sa dulo. In God’s will nothing can stop you reaching your goals and dreams 😁🙏🙏

  5. Ganda ng speech nya makakatulong talaga sa mga nawawalan na ng pag-asa meron kase syang ebidensya eh at may pinapatunayan sa sarile.

  6. Thank you 🥺Kakayanin ko toh!Salamat po. Nakakawala na sanang Mag Aral😭Sobrang nakakatamad na.Pero sa tingin ko Makakaya ko na.Salamat po…kase nainspired po ako
    Thank you so much💜🧡💛❤

  7. Inspired and challenging….it speaks of me when i was in college….now i am already a Ph.D degree holder…i proved i was not failed but rather i showedbto the world and to God that i have good future now after i graduate in college…college diploma is not enough to prove your doligence but it prove what u achieve now thru ur real effort and time… congratulations!!!!!

  8. Yes I agree because I am one of these… Maraming bagsak kc kulang sa budget, can’t comply ontime sa mga projects kc mahirap lang…. Salutatorian ako noon… Baliktorian sa college…. But I Excel now..

  9. Oo nga Naman pero as of now practical na ngayon ehh What matter most is may stable work ka after you Graduate in college, as they said Grades are just a number however it’s better talaga na maganda yong marka mo, Sabihin nating pra hindi tayo mahirapan sa pag hanap Ng trabaho and yes totoo yan pero makikita Yan sa performance mo Kong fit ba ang grades sa performance mo. For me learning is the best than good grades pero ngayon pati grades bias narin ehh. we know that when you have a good grades it means you have lots of learnings, but pano Kong cheat Lang ang lahat? Kaya for me i’m prefer that my grade is normal not that very excellent. One time sa major subject ko nag quiz kami so nag study ako pero hirap parin ehh the questions are very standard pra sakin, therefore I was cheated sa katabi ko and eventually I got almost high grade, however I felt guilty prang hindi fit yong Grades sakin Kasi I knew my self eh.!

    We knew that each of us has different perspective and beliefs in life kaya kahit na ga graduate tayo ng college na mababa ang marka then it’s fine! There are lots of companies that possible hired us at mas marami tayong ma acquire na knowledge when we start at the lowest part kaya continue living 😁🤭. Si duterte nga Sabi nila poor gardes yan before but look at him now His classmates na cum laude trabahanti Lang nya ngayon 😂 it insulting right ? But that’s life 💪. The first will be the last, and the last will be the first! And it’s biblical

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *